Moske

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Masjid)
Ang Moskeng Faisal sa Islamabad ay ang pinakamalaking moske sa Pakistan at sa Timog Asya na may kapasidad na 300,000

Ang isang moske o mosque, tinatawag ding masjid ( /ˈmæsɪd,_ˈmʌsʔ/ MASS-jid-,_-MUSS-- ),[a] ay isang lugar ng pagsamba para sa mga Muslim.[1] Karaniwang tumutukoy ang katawagan gusaling may takip, subalit maaaring maging anumang lugar kung saan isinasagawa ang mga pagdarasal ng Islam, tulad ng panlabas na patyo.[2][3]

Noong una, mga simpleng lugar ng pagdarasal ang mga moske para sa mga unang Muslim, at maaaring naging bukas na espasyo sa halip na mga detalyadong gusali.[4] Sa unang yugto ng arkitekturang Islamiko (650–750 CE), ang mga naunang moske ay binubuo ng bukas at saradong espasyong may takip na napapalibutan ng mga pader, kadalasang may mga minarete, kung saan ang inihahayag araw-araw ang panawagan sa Islamikong pagdarasal.[4] Karaniwan sa mga gusali ng moske ang pagkakaroon ng isang espesyal na pandekorasyon na hornasina (isang mihrab) na nakalagay sa dingding sa direksyon ng lungsod ng Meka (ang qibla), na dapat harapin ng mga Muslim sa panahon ng pagdarasal,[1] gayundin bilang isang pasilidad para sa ritwal. paglilinis (wudu).[1][5] Ang pulpito (minbar), kung saan ibinibigay ang mga pampublikong sermon (khutbah) sa kaganapan ng pagdarasal sa Biyernes, ay katangian ng moske sa gitnang lungsod noong unang panahon, subalit naging karaniwan mula noon ito sa mas maliliit na moske.[6][1] Sa iba't ibang antas, idinesenyo ang mga gusali ng mosque upang mayroong mga hiwalay na espasyo para sa mga lalaki at babae.[1] Ang pangunahing huwaran ng organisasyon ay may iba't ibang anyo depende sa rehiyon, panahon, at denominasyong Islamiko.[5]

Bilang karagdagan sa pagiging mga lugar ng pagsamba sa Islam, nagsisilbi rin ang mga moske na mga lokasyon para sa mga serbisyong panlibing at mga panalangin sa paglilibing, mga kasal (nikah), mga pagbabantay sa panahon ng Ramadan, mga kasunduan sa negosyo, pangongolekta at pamamahagi ng mga limos, at mga tirahan para sa walang tirahan.[1][6] Sa layuning ito, ang mga moske ay dating mga gusaling maraming layunin na gumagana bilang mga sentro ng pamayanan, korte ng batas, at mga paaralang panrelihiyon. Sa modernong panahon, napanatili din nila ang kanilang tungkulin bilang mga lugar ng pagtuturo at debate sa relihiyon.[1][6] Ibinibigay ang espesyal na kahalagahan sa, sa pababang pagkakasunud-sunod ng kahalagahan: al-Masjid al-Haram sa lungsod ng Meka, kung saan isinasagawa ang Hajj at Umrah; ang Moske ng Propeta sa lungsod ng Medina, kung saan inilibing si Muhammad; at al-Aqsa Mosque sa lungsod ng Jerusalem, kung saan naniniwala ang mga Muslim na umakyat si Muhammad sa langit upang salubungin ang Diyos noong 621 CE.[1] Mayroong lumalagong pagkaunawa sa mga iskolar na hindi ganap ang kasalukuyang pang-unawa sa mga moske na umaayon sa kanilang orihinal na konsepto. Itinatampok ng mga naunang teksto at kasanayan sa Islam ang mga moske bilang mga masiglang sentro na mahalaga sa mga pamayanang Muslim, na sumusuporta sa mga gawaing panrelihiyon, panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika.[7]

Sa panahon at pagkatapos ng unang pananakop ng mga Muslim, itinatag ang mga moske sa labas ng Arabia sa daan-daang bilang; maraming sinagoga, simbahan, at templo ang ginawang mga moske at sa gayo'y naimpluwensiyahan ang mga istilo ng arkitektura ng Islam sa paglipas ng mga dantaon.[6] Bagama't pinondohan ang karamihan sa mga pre-modernong moske ng mga kawanggawang kaloob (waqf),[1] ang modernong-panahong kalakaran ng regulasyon ng pamahalaan ng malalaking moske ay sinalungat ng pagtaas ng pribadong pinondohan na mga moske, na marami sa mga ito ang nagsisilbing base para sa iba't ibang mga agos ng Islamikong ribibalismo at aktibismong panlipunan.[6]

Mga gawaing panrelihiyon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga panalangin[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong dalawang pista opisyal (Eid) sa kalendaryong Islamiko: ʿĪd al-Fiṭr at ʿĪd al-Aḍḥā, kung saan mayroong mga espesyal na panalangin na ginaganap sa mga moske sa umaga. Ang mga panalangin sa Eid na ito ay dapat na ihandog sa malalaking grupo, at sa gayon, kung walang Eidgah sa labas, isang malaking moske ang karaniwang magpapasinaya ng mga ito para sa kanilang mga kongregasyon gayundin sa mga kongregasyon ng mas maliliit na lokal na moske. Ang ilang mga moske ay uupa pa nga ng sentrong pangkumbensyon o iba pang malalaking pampublikong gusali upang hawakan ang malaking bilang ng mga Muslim na dumalo. Nagpapasinaya din ang mga moske, lalo na sa mga bansa kung saan karamihan mga Muslim, ng mga panalangin sa Eid sa labas sa mga patyo, mga liwasang bayan o sa labas ng bayan sa isang Eidgah.[8] [9]

Ramadan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iftar sa Gran Moske ng Taipei, Taiwan sa panahon ng Ramadan

Ang pinakabanal na buwan ng Islam, ang Ramaḍān, ay ginugunita sa pamamagitan ng maraming mga kaganapan. Dahil dapat mag-ayuno ang mga Muslim tuwing may araw sa panahon ng Ramadan, nagpapasinaya ang mga moske ng mga hapunang Ifṭār pagkatapos ng paglubog ng araw at ang ikaapat na kinakailangang panalangin sa araw, iyon ay Maghrib. Ibinibigay ang pagkain ng mga miyembro ng pamayanan, sa gayon, lumilikha ng pang-araw-araw na hapunan na binigay ng patak-patak ng bawat kasapi ng pamayanan. Dahil sa kontribusyon ng komunidad na kinakailangan upang maghatid ng mga hapunan ng iftar, ang mga moske na may mas maliliit na kongregasyon ay maaaring hindi makapagpasinaya ng mga hapunan ng iftar araw-araw. Nagdaraos din ang ilang mga moske ng mga pagkaing Suḥūr bago ang madaling araw sa mga nagtitipon na dumadalo sa unang kinakailangang panalangin sa araw, ang Fajr. Tulad ng mga hapunan sa iftar, karaniwang nagbibigay ang mga natitipon ng pagkain para sa suhoor, bagaman maaaring magbigay ng pagkain sa halip ang mga may kakayahang moske. Madalas na mag-imbita ang mga moske ng mas mahihirap na miyembro ng komunidad ng Muslim na makibahagi sa pagsisimula at pagtigil sa pag-aayuno, dahil itinuturing sa Islam ang pagbibigay ng kawanggawa sa panahon ng Ramadan bilang lalong marangal.[10]

Mga pananda[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Arabe: مَسْجِد[ˈmasdʒid] (lit. na 'lugar ng ritwal na paninikluhod')

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 John L. Esposito, pat. (2014). "Mosque". The Oxford Dictionary of Islam (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Disyembre 25, 2017.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Longhurst, Christopher E; Theology of a Mosque: The Sacred Inspiring Form, Function and Design in Islamic Architecture, Lonaard Journal. Mar 2012, Vol. 2 Issue 8, p3-13. 11p. "Since submission to God is the essence of divine worship, the place of worship is intrinsic to Islam's self-identity. This 'place' is not a building per se but what is evidenced by the etymology of the word 'mosque' which derives from the Arabic 'masjid' meaning 'a place of sujud (prostration).' (sa Ingles)
  3. Colledge, R. (1999). The mosque. In: Mastering World Religions. Macmillan Master Series. Palgrave, London. https://doi.org/10.1007/978-1-349-14329-0_16 "A mosque is a building where Muslims bow before Allah to show their submission to His will. It is not necessary to have a building to do this. Muhammad said that 'Wherever the hour of prayer overtakes you, you shall perform the prayer. That place is the mosque'. In his early days in Makkah there was no mosque, so he and his friends would pray anywhere." (sa Ingles)
  4. 4.0 4.1 Grabar 1969.
  5. 5.0 5.1 Juan Eduardo Campo, pat. (2009). "Mosque". Encyclopedia of Islam. Infobase Publishing.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 Richard C. Martin, pat. (2004). "Masjid". Encyclopedia of Islam and the Muslim World. MacMillan Reference.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  7. Utaberta, Nangkula; Asif, Nayeem; Rasdi, Mohd Tajuddin Mohd; Yunos, Mohd Yazid Mohd; Ismail, Nor Atiah; Ismail, Sumarni (2015-04-01). "The Concept of Mosque Based on Islamic Philosophy: A Review Based on Early Islamic Texts and Practices of the Early Generation of the Muslims". Advances in Environmental Biology (sa wikang Ingles). 9 (5): 371–375.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "'Id Prayers (Salatul 'Idain)". Compendium of Muslim Texts (sa wikang Ingles). University of Southern California. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Disyembre 23, 2005. Nakuha noong Abril 8, 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Performance of Eid Salah in Eidgah (Open Field)". www.central-mosque.com (sa wikang Ingles).
  10. "Charity". Compendium of Muslim Texts (sa wikang Ingles). University of Southern California. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Pebrero 5, 2006. Nakuha noong Abril 17, 2006.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)