Alesana

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Shawn Milke kasama si Dennis Lee sa isang konsiyerto.
Si Shawn Milke at si Dennis Lee

Ang Alesana (/ˈælᵻs ˈænə/ a-lis a-na) ay isang bandang rock na nagmula sa Raleigh, North Carolina, Estados Unidos. Binuo noong 2004, kasalukuyang nakalagda ang grupo sa Revival Recordings at Artery Recordings at naglabas ng dalawang mga EP at limang album na pang-istudiyo. Lumawak ang kanilang kasikatan pagkatapos nailabas ang kanilang unang album na On Frail Wings of Vanity and Wax na kung saan ay tinatampok ang istilong pang-musika na nagpapalit sa magaan at mabigat na mga tugtog kasama ang malawak na impluwensiya sa mga klasikong bandang rock katulad ng The Beatles. Hinango ang pangalan ng banda mula sa kalye na nagngangalang Aliceanna Street na matatagpuan sa Baltimore, USA kung saan nagmula ang grupo.