Pumunta sa nilalaman

Bakal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang gamit, tingnan ang Bakal (paglilinaw), Hero (paglilinaw), Yero (paglilinaw) at Iron (paglilinaw).
Bakal, 26Fe
Pure iron chips with a high purity iron cube
Bakal
Alotropiyatingnan ang mga alotropo ng bakal
Hitsuramakintab na metal na may kulay-abo na kulay
Pamantayang atomikong timbang Ar°(Fe)
  • 55.845±0.002
  • 55.845±0.002 (pinaikli)[1]
Bakal sa talahanayang peryodiko
Hydrogen Helium
Lithium Beryllium Boron Carbon Nitrogen Oxygen Fluorine Neon
Sodium Magnesium Aluminium Silicon Phosphorus Sulfur Chlorine Argon
Potassium Calcium Scandium Titanium Vanadium Chromium Manganese Iron Cobalt Nickel Copper Zinc Gallium Germanium Arsenic Selenium Bromine Krypton
Rubidium Strontium Yttrium Zirconium Niobium Molybdenum Technetium Ruthenium Rhodium Palladium Silver Cadmium Indium Tin Antimony Tellurium Iodine Xenon
Caesium Barium Lanthanum Cerium Praseodymium Neodymium Promethium Samarium Europium Gadolinium Terbium Dysprosium Holmium Erbium Thulium Ytterbium Lutetium Hafnium Tantalum Tungsten Rhenium Osmium Iridium Platinum Gold Mercury (element) Thallium Lead Bismuth Polonium Astatine Radon
Francium Radium Actinium Thorium Protactinium Uranium Neptunium Plutonium Americium Curium Berkelium Californium Einsteinium Fermium Mendelevium Nobelium Lawrencium Rutherfordium Dubnium Seaborgium Bohrium Hassium Meitnerium Darmstadtium Roentgenium Copernicium Nihonium Flerovium Moscovium Livermorium Tennessine Oganesson


Fe

Ru
mangganesobakalkobalto
Atomikong bilang (Z)26
Pangkatpangkat 8
Peryodoperyodo 4
Bloke  d-block
Konpigurasyon ng elektron[Ar] 3d6 4s2
Mga elektron bawat kapa2, 8, 14, 2
Katangiang pisikal
Pase sa STPsolido
Punto ng pagkatunaw1811 K ​(1538 °C, ​2800 °F)
Punto ng pagkulo3134 K ​(2862 °C, ​5182 °F)
Densidad (malapit sa r.t.)7.874 g/cm3
kapag likido (sa m.p.)6.98 g/cm3
Init ng pusyon13.81 kJ/mol
Init ng baporisasyon340 kJ/mol
Molar na kapasidad ng init25.10 J/(mol·K)
Presyon ng singaw
P (Pa) 1 10 100 1 k 10 k 100 k
at T (K) 1728 1890 2091 2346 2679 3132
Katangiang atomiko
Mga estado ng oksidasyon−4, −2, −1, 0, +1,[2] +2, +3, +4, +5,[3] +6, +7[4] (isang anpoterong oksido)
ElektronegatibidadEskala ni Pauling: 1.83
Mga enerhiyang ionisasyon
  • Una: 762.5 kJ/mol
  • Ikalawa: 1561.9 kJ/mol
  • Ikatlo: 2957 kJ/mol
  • (marami pa)
Radyong atomikoemperiko: 126 pm
Radyong KobalenteMababang ikot: 132±3 pm
Mataas na ikot: 152±6 pm
Radyong Van der Waals194 [1] pm
Color lines in a spectral range
Mga linyang espektral ng bakal
Ibang katangian
Likas na paglitawprimordiyal
Kayarian ng krystalbody-centered cubic (bcc)
Body-centered cubic crystal structure for bakal

a=286.65 pm
Kayarian ng krystalface-centered cubic (fcc)
Face-centered cubic crystal structure for bakal

sa pagitan ng 1185–1667 K; a=364.680 pm
Bilis ng tunog manipis na bara5120 m/s (sa r.t.) (electrolitiko)
Termal na pagpapalawak11.8 µm/(m⋅K) (at 25 °C)
Termal na konduktibidad80.4 W/(m⋅K)
Elektrikal na resistibidad96.1 nΩ⋅m (at 20 °C)
Puntong Curie1043 K
Magnetikong pagsasaayosperromagnetiko
Modulo ni Young211 GPa
Modulo ng tigas82 GPa
Bultong modulo170 GPa
Rasyo ni Poisson0.29
Eskala ni Mohs sa katigasan4
Subok sa katigasan ni Vickers608 MPa
Subok sa katigasan ni Brinell200–1180 MPa
Bilang ng CAS7439-89-6
Kasaysayan
Pagkakatuklasbago ang 5000 BC
Simbolo"Fe": mula sa Latin na ferrum
Pangunahing isotopo ng bakal
Iso­topo Pagkarami Half-life (t1/2) Paraan ng pagkabulok Produkto
54Fe 5.85% matatag
55Fe syn 2.73 y ε 55Mn
56Fe 91.75% matatag
57Fe 2.12% matatag
58Fe 0.28% matatag
59Fe syn 44.6 d β 59Co
60Fe bakas 2.6×106 y β 60Co
Kategorya Kategorya: Bakal

Ang bakal, yero, iyero, uwit, hero, o hiero (Kastila: hierro, Ingles: iron), may atomikong bilang na 26, atomikong timbang na 55.845±0.002, punto ng pagkatunaw na 1811 K ​(1538 °C, ​2800 °F), punto ng pagkulo na 3134 K ​(2861 °C, ​5182 °F), ay isang elementong kimikal at metal na may simbolong Fe. Makinang ito at may hawig ang kaputian sa kulay ng pilak. Napupukpok ito, nahuhubog, at nababatak. Nakakagawa mula rito ng balani. Sa teknolohiya at industriya, nagagamit ang elementong ito sa konstruksiyon at paggawa ng mga makinarya, sa napakaraming kaparaanan.[5]

Ang pagkuha ng magagamit na metal mula sa inang-bato ng bakal ay nangangailangan ng mga tapahan (kiln) o hurno na may kakayahang umabot sa 1,500 °C (2,730 °F), mga 500 °C (932 °F) na mas mataas kaysa sa kinakailangan para matunaw ang elemental na tanso. Ang mga tao ay nagsimulang makabisado ang prosesong iyon sa Eurasia noong ika-2 milenyo BC at ang paggamit ng mga kasangkapang bakal at armas ay nagsimulang palitan ang mga haluang tanso - sa ilang mga rehiyon, mga 1200 BC lamang. Itinuturing ang kaganapang iyon na paglipat mula sa Panahong Bronse patungo sa Panahong Bakal. Sa modernong mundo, ang mga bakal na haluang metal, tulad ng aserong bakal, hindi kinakalawang na asero, pundidong bakal (cast iron) at mga espesyal na bakal, ay sa ngayon ang pinakakaraniwang pang-industriya na mga metal, dahil sa kanilang mga mekanikal na katangian at katipiran. Napakahalaga ang industriya ng bakal at asero sa ekonomiya, at pinakamurang metal ang bakal, na may prinepresyuhan kada kilo.

Ang katawan ng isang nasa hustong gulang na tao ay naglalaman ng humigit-kumulang 4 na gramo (0.005% sa timbang ng katawan) ng bakal, karamihan ay nasa hemoglobina at miyoglobina. Gumaganap ang dalawang protinang ito ng mahahalagang papel sa paghahatid ng oksiheno sa pamamagitan ng dugo at imbakan ng oksiheno sa mga kalamnan. Upang mapanatili ang mga kinakailangang antas, nangangailangan ang metabolismo ng bakal ng tao ng isang pinakamababang bakal sa diyeta. Ang bakal ay ang metal din sa aktibong lugar ng maraming mahahalagang ensimang rodoks na may kinalaman sa respirasyong selular at oksihenasyon at pagbawas sa mga halaman at hayop.[6]

Pinagmulan at pagkakaroon sa kalikasan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kasaganaan ng bakal sa mga mabatong planeta tulad ng Daigdig ay dahil sa masaganang produksyon nito sa panahon ng nakawalang pagsasanib at pagsabog ng isang uri ng Ia supernovae, na kinalat ang bakal sa kalawakan.[7][8]

Bihirang makita ang bakal na metaliko o katutubo sa ibabaw ng Daigdig dahil may posibilidad ito na mag-oksida. Gayunpaman, ang parehong panloob at panlabas na core o gitna ng Daigdig, na magkakasamang bumubuo ng 35% ng masa ng buong Daigdig, ay pinaniniwalaan na, higit sa lahat, bakal na haluang metal, na posibleng may nikel. Pinaniniwalaan na ang mga daloy elektriko sa likidong panlabas na gitna na ang pinagmulan ng lawak magnetiko (magnetic field) ng Daigdig. Ang iba pang mga terestriyal na planeta (Merkuryo, Benus, at Marte) gayundin ang Buwan ay pinaniniwalaang may metalikong gitna na binubuo karamihan ng bakal.

Ayon sa ulat ng Metal Stocks in Society (Mga Nakalaang Metal sa Lipunan) ng International Resource Panel (Internasyunal na Panel sa Yaman), ang pandaigdigang nakalaang bakal na ginagamit sa lipunan ay 2,200 kg bawat kapita. Naiiba ang mga mas maunlad na bansa sa bagay na ito mula sa mga hindi gaanong maunlad na bansa (7,000–14,000 laban sa 2,000 kg bawat kapita).[9]

Ipinakita ng agham sa karagatan ang papel ng bakal sa mga sinaunang dagat sa parehong biyota ng dagat at klima.[10]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Standard Atomic Weights: Iron" (sa wikang Ingles). CIAAW. 1993.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ram, R. S.; Bernath, P. F. (2003). "Fourier transform emission spectroscopy of the g4Δ–a4Δ system of FeCl". Journal of Molecular Spectroscopy (sa wikang Ingles). 221 (2): 261. Bibcode:2003JMoSp.221..261R. doi:10.1016/S0022-2852(03)00225-X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Demazeau, G.; Buffat, B.; Pouchard, M.; Hagenmuller, P. (1982). "Recent developments in the field of high oxidation states of transition elements in oxides stabilization of six-coordinated Iron(V)". Zeitschrift für anorganische und allgemeine Chemie (sa wikang Ingles). 491: 60–66. doi:10.1002/zaac.19824910109.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Lu, J.; Jian, J.; Huang, W.; Lin, H.; Li, J; Zhou, M. (2016). "Experimental and theoretical identification of the Fe(VII) oxidation state in FeO4". Physical Chemistry Chemical Physics (sa wikang Ingles). 18 (45): 31125–31131. Bibcode:2016PCCP...1831125L. doi:10.1039/C6CP06753K. PMID 27812577.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Gaboy, Luciano L. Iron, Fe, bakal, yero, uwit, hero - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  6. "Iron". Micronutrient Information Center, Linus Pauling Institute, Oregon State University, Corvallis, Oregon. Abril 2016. Nakuha noong 6 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Aron, Jacob. "Supernova space bullets could have seeded Earth's iron core". New Scientist (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-10-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Croswell, Ken. "Iron in the Fire: The Little-Star Supernovae That Could". Scientific American (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-01-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Metal Stocks in Society: Scientific synthesis, 2010, International Resource Panel, UNEP (sa Ingles)
  10. Stoll, Heather (2020-02-17). "30 years of the iron hypothesis of ice ages". Nature (sa wikang Ingles). Springer Science and Business Media LLC. 578 (7795): 370–371. Bibcode:2020Natur.578..370S. doi:10.1038/d41586-020-00393-x. ISSN 0028-0836. PMID 32066927.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)