Pumunta sa nilalaman

Halal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang salitang halal sa wikang Arabe. Ipinangmamarka ito ng mga Muslim sa mga restawran, tindahan at sa mga produkto.

Ang halal (Arabe: حلال‎, ḥalāl) ay isang salitang Arabe na may kahulugang "pinapayagan" sa wikang Tagalog. Sa Koran, sinasalungat ang salitang halal sa haram (ipinagbabawal). Ipinalawig itong binaryong oposisyon na maging mas komprehensibong pag-uuri na kilala bilang "ang limang desisyon": sapilitan, inirerekomenda, neutral, kasisisisi at ipinagbabawal.[1] Pinagtatalunan ng mga hukom sa Islam kung sinasaklaw ng salitang halal ang unang dalawa o unang apat ng mga kategoryang ito.[1] Nitong nakaraang mga taon, binibigyang-diin ng mga kilusang Islam na naghahangad na magpakilos ng masa at mga sumusulat para sa pangkalahatang publiko ang mas simpleng pagkakaiba ng halal at haram.[2][3]

Karniwang nag-uugnay ang salitang halal sa mga batas sa pagkain sa Islam at lalo na sa karneng pinoproseso at inihahanda alinsunod sa mga kahilingang iyon.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 Vikør, Knut S. (2014). "Ḥalāl". In Emad El-Din Shahin (pat.). Sharīʿah. The Oxford Encyclopedia of Islam and Politics (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-530513-5. Nakuha noong 18 Mayo 2017.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ensiklopedya ng Islam (2009). "Halal" [e]. In Juan Eduardo Campo (pat.). Encyclopedia of Islam (sa wikang Ingles). Infobase Publishing. p. 284.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Lowry, Joseph E (2006). "Lawful and Unlawful" [Ensiklopedya ng Koran]. In Jane Dammen McAuliffe (pat.). Encyclopaedia of the Qurʾān (sa wikang Ingles). Brill. doi:10.1163/1875-3922_q3_EQCOM_00107.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)