Kaligrapiya
Ang kaligrapiya ay isang biswal na sining kaugnay ng pagsusulat. Ito ang disenyo at katuparan ng pagkakasulat gamit ang makapal na dulo ng instrumentong panulat, isinasawsaw na panulat, o brush, bukod sa iba pang instrumento sa pagsusulat.[1]:17 Isang kontemporaryong pagsasanay sa kaligrapiya ay maaari ring mangahulugang, "ang sining ng pagbibigay anyo sa mga palatandaan sa paraang mapagpahayag, maayos at malikhain."[1]:18
Sinasaklaw ng modernong kaligrapiya ang mga kapaki-pakinabang na kasulatan at disenyo hanggang sa mga malilikhaing sining na kung saan ang mga letra ay maaaring mabasa o hindi.[1] Ang klasikong kaligrapiya ay nagkakaiba sa tipograpiya at hindi-klasikong sulat-kamay, bagama't maaaring pareho itong isagawa ng isang kaligrapo.[2][3][4][5]
Ang kaligrapiya ay patuloy na lumalaganap sa iba't ibang anyo gaya ng mga imbitasyon sa kasalan at kaganapan, pagdidisenyo ng font at tipograpiya, pagdidisenyo ng logo gamit ang sulat-kamay, sining panrelihiyon, mga anunsyo, grapikp na disenyo at kinomisyong sining ng kaligrapiya, kasulatan sa bato, at pang-alaalang mga dokumento. Ito rin ay ginagamit na props at paglipat ng imahe para sa pelikula at telebisyon, parangal, sertipiko ng kapanganakan at kamatayan, mga mapa, at iba pang kasulatan.[6][7]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ 1.0 1.1 1.2 Mediaville, Claude (1996). Calligraphy: From Calligraphy to Abstract Painting [Kaligrapiya: Mula Kaligrapiya hanggang Abstraktong Pagpipinta] (sa wikang Ingles). Belgium: Scirpus-Publications. ISBN 978-90-803325-1-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pott, G. (2006). Kalligrafie: Intensiv Training [Kaligrapiya: Masinsinang Pagsasanay] (sa wikang Aleman). Verlag Hermann Schmidt. ISBN 978-3-87439-700-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pott, G. (2005). Kalligrafie: Erste Hilfe und Schrift-Training mit Muster-Alphabeten (sa wikang Aleman). Verlag Hermann Schmidt. ISBN 978-3-87439-675-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zapf 2007.
- ↑ Zapf, H. (2006). The World of Alphabets: A kaleidoscope of drawings and letterforms [Ang Mundo ng Alpabeto: Isang kaleydoskopo ng mga guhit at pagkakatitik] (sa wikang Ingles).
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CD-ROM - ↑ Propfe, J. (2005). SchreibKunstRaume: Kalligraphie im Raum Verlag (sa wikang Aleman). Munich: Callwey Verlag. ISBN 978-3-7667-1630-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Geddes, A.; Dion, C. (2004). Miracle: a celebration of new life. Auckland: Photogenique Publishers. ISBN 978-0-7407-4696-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)